Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz alay ang aklat sa kabataan

0 199

Ibinida ni 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz ang “Ginto’t Pilak” na libro patungkol sa kanyang buhay.

Sa Instagram post Linggo ng Indonesia 2018 Asian Games 2018 gold medalist at top hoister ng Philippine Weightlifting Associuation, Inc. (PWAI), swak aniya sa mga bata ang aklat na makapagbibigay ng inspirasyon at motibasyon upang maabot ang mga pangarap ng bawat isa.

“Ginto’t Pilak is a book about the story of my li,” caption ng 29-year-old, 4-foot-11 at Zamboanga City native. “Its a book of inspiration, a story of a young girl who started weightlifting by curiosity and after 16 years she brought home the silver medal in Rio de Janeiro Olympics for Philippines.”

Kasalukuyan pa ring nasa Malacca, Malaysia si Diaz at tuloy-tuloy ang pag-eensayo nang ma-lockdown noong Marso dahil sa Covid-19. Naghahabol siyang mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na naurong sa Huly 2021 dahil sa pandemya. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.