Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz alerto pa-Olympics

0 79

Hindi maiwasan ni 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz ang tumingin lagi sa countdown ng 32nd Summer OLympic Games 2020 na ni-reset sa darating na July 23-August 8 sa Tokyo, Japan.

“Closer and closer! Just 150 days to go to @Tokyo2020,” post Huwebes sa social media ng 29-anyos, 4-11 ang taas at mula sa Zamboanga City na barbelista, na kailangan na lang bumahagi sa Asian Weightlifting Championships sa April 15-25 sa Tashkent, Uzbekistan upang umusad fourth straight quadrennial sportsfest niya.

Aleto ang sundalong dalaga na iyon na ang ikaanim at huli niyang event para mag-qualify, pero dahil sa pandemya na nagpaatrasado sa Olympics, inamin niyang nangangamba rin siyang maaring tuluyang makansela ang paligsahan para sa kaligtasan ng sangkatauhan. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.