Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz, Ando handa nang sumabak

0 33

Dalawa ang pambato ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2020 women’s weightlifting sa Tokyo, Japan na inatrasado ng pandemic sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021.

Sila ay sina Hidilyn Diaz, 30, ng Zamboanga City sa 55-kilogram class at Elren Ann Ando, 22, ng Cebu City sa 64kg.

Maaring ang pang-apat na quadrennial sports meet ng 4-foot-11 na sundalong dalaga ang huli na niya. Misyon niyang makopo ang gold medal upng mahigitan ang silver niya sa 2016 Rio de Janeiro Olympics.

SM food to go Banner Ad

Si Ando naman ang isa sa mga pinalalagay na susunod sa yapak ni Diaz.

Lalaban si Diaz sa darating na Lunes, Hulyo 26, kinabukasan si Ando sa sport na sisimulan sa Sabado, Hul. 24 at tatagal hanggang Agosto 4. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.