Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz ‘di patatalbog sa World Championhips

0 91

Sawa na sa tatlong bronze medal si Hidilyn Diaz na sinungkit niya sa nakaraang apat na edisyon sa loob ng anim na taon sa International Weightlifting Federation World Women’s Weightlifting Championships.

Kaya sa ika-29 na edisyon ng taunang kompetisyon, wala siya ibang pakay kundi ang mapitas na ang gold medal, lalo’t siya ang patok bilang 32nd Summer Olympic Games 2020+1 women’s 55-kilogram division gold medal winner sa Tokyo, Japan noong July.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Napagpasyahang ituloy ang paligsahan sa parating na Dec. 7-17, kasunod ang IWF Electoral Congress sa Dec. 20-21 sa Tashkent, Uzbekistan.

Dinale ng 30-anyos na dalagang tubong Zamboanga City ang mga bronze noong 2015 sa Houston at 2017 sa Anaheim sa parehong –53 kg., at nitong 2019 sa Pattaya sa –55 kg. Hindi siya lumahok noong 2018 sa Ashgabat. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.