Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz, Lopez, atbp iaangat ng PSC

0 215

Plano ng Philippine Sports Commission (PSC) na bigyang parangal ang mga kababaihang atleta na nagpakita ng galing at nagbigay ng karangalan hindi lang sa bansa kundi pati na rin sa mga Pinoy.

Siniwalat kahapon ni PSC Commissioner Fatima Celia Kiram, na dapat lang pahalagahan ang pagdami ng kababaihang manlalaro na nagkakaloob ng karangalan ng bansa at sa kontribusyon ng mga ito sa sports .

“We want to honor their valuable contributions to our nation,” sabi ni Kiram, na siyang in-charge sa Women in Sports Program ng ahensiya. “I have something in mind where we will honor and recognize the accomplishments of our women athletes.”

Plano ni Kiram na bigyan ng ahensiya ng nararapat na pagkilala ang tagumpay at naabot ng mga babaeng atleta sa isang seremonya na kaiba sa mga parangal na ibinibigay ng PSC sa national athletes.

Ilan sa mga nagtagumpay sa nagdaang taon sina 30th Southeast Asian Games gold medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting, Pauline Louise Lopez ng taekwondo, Jamie Christine Lim ng karatedo, Nesthy Petecio ng boxing, Margielyn Didal ng skateboarding, Bianca Pagdanganan ng golf, Agatha Wong Wong ng wushu at iba pa. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.