Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz nag-throwback sa medalyang pilak

0 177

“’Di Ako Susuko”, ito ang pinanghawakang mga salita ni weightlifting star Hidilyn Diaz sa kanyang patuloy na paglaban at hindi pagbitaw sa nasabing sport.

Sa Instagram post niya kahapon, inaalala ng 29 na taon, may taas na 5-0 at tubong Zamboanga City lifter eksaktong apat na taon nang masungkit ang silver medal sa 31st Summer Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

“Hindi ito naging madali tulad nang hirap na dinaranas ngayon ng mga kababayan ko, ng Pilipinas at ng buong mundo gawa ng coronavirus pandemic,” kuwento ng dalagang sundalo na nagwagi rin ng medalyang ginto sa 18th Asian Games 2018 sa Indonesia.

Hinirit pa ng national athlete, “Kung ano man ang meron ako ngayon sa mga pagsubok ko sa buhay, ito ay dahil hindi ako bumitaw sa aking mga pangarap.”

“Kung kaya ko, kaya niyo rin. lisa tayo sa laban na ito!” giit pa ng milyonaryang manlalaro, na umaasinta ng pang-apat na sunod niyang quadrennial sportsfest.

Patungo sa silver finish sa 2016 Rio De Janeiro Olympics, nakalaro na rin si Diaz sa 2008 Beijing at 2012 Londo Summer Games. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.