Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz nakasama na magulang

0 270

Nakasama na ni 2020+1 Summer Olympic Games women’s weightlifting 55kg class gold medal winner Hidilyn Diaz ang mga magulang na sina Eduardo at Emerlita nitong Huwebes sa Sofitel Hotel sa Pasay.

Sa nasabing lugar nag-quarantine ng isang linggo ang 30-anyos, 5-foot-1 ang taas at tubong Zamboanga City na hoister nang dumating doon ang kanyang mga magulang na huli pa niyang nakasama noong Disyembre 2019.

Kasabay sa okasyon ang pagtanggap ng sundalong dalagang atleta ng pabuyang P3M ni Deputy Speaker Mikee Romero sa nasabing lugar.

Sinagot ang pagparito ng mag-asawa ni MVP Sports Foundation Chairman Manuel Pangilinan. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.