Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz pasalamat kay Romero

0 156

Pinasalamatan ni weightlifting superstar Hidilyn Diaz si Deputy Speaker Mikee Romero (1-Pacman Partylist) pagkaraang tanggapin ang P3M check na kanyang pabuya sa pagkakapanalo ng unang gold medal ng bansa sa kasagsagang ginaganap na 32nd Summer Olympic Games 2020+1 sa Tokyo, Japan noong Huly 26.

Ayon sa 30-year-old, 5-foot-1 at Zamboanga City native hoister, tunay sports patron ang mambabatas, at ang pagiging galante’y makakatulong sa mga atletang Pinoy sa maraming paraan na mga nagnanais ding maging bayani sa hinaharap.

Ginanap ang simpleng seremonya Huwebes sa Sofitel Hotel sa Pasay kung saan sinamahan si Romero ni AirAsia executive Erick Arejola at ang atleta nina coach Julius Naranjo at weightlifting official Monico Puentevella.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Masayang iniabot ng lawmaker ang tseke kay Diaz walong araw pagkauwi sa bansa mula sa Tokyo kung saan inukit ang sariling pangalan bilang isa sa mga dakilang atleta, unang Pinoy na nag-gold sa quadrennial sports conclave.

“I personally delivered the promise I made last month because the joy and pride Hidilyn gave to our country was immeasurable. This will open for other athletes to work harder to aspire their dreams,” ani Romero. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.