Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz: personal best susi sa gold medal

0 305

Hindi pa naabot kahit napantayan ni weightlifting star Hidilyn Diaz ang ilang dating mga personal best niya sa snatch at clean and jerk na pamantayan para makopo ang unang medalyang gintong medalya ng bansa sapul noong 1924 sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa 2021.

Ayon kamakalawa sa lady weightlifter, pagtutuunan niya ng atensiyon ang consistency na makalapit na personal best sa dalawang buhat na inaasahan niya para mahigitan ang silver medal finish sa 2016 Riode Janeiro Olympics.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang aim po namin ay maging consistent muna kami sa kayang buhatin na weight sa dalawang category. After that po siguro, saka namin unti-unting itataas pa ang training para makuha o pantayan ang personal best ko,” litanya ng 29-anyos at tubong Zamboanga City na barbelista.

Kaka-gold medal lang ng limang talampakang dalaga sa Eleiko Email International Weightlifting Tournament nitong Hulyo 24-24 sa total lift na 216 tapos maka-95kg sa snatch at 121 sa c&j ng 59kg event.

Ang personal best niya sa snatch ay 98kg sa pagkopo ng ginto sa 1st Southeast Asian Weightlifting Championship 2015 sa Bangkok sa 53kg event. May PB siyang 120kg sa c&j sa 58kg event naman ng 2015-16 Philippine National Games Finals sa Lingayen. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.