Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz sasabak na sa Asian Championships

0 319

Pormal na aangkinin ni 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medallist Hidilyn Diaz ang karapatan bilang ikapitong atleta na nakasama sa delegasyon ng Pilipinas sa 2020 Tokyo Summer Games sa pagsabak nito sa 2021 Asian Weightlifting Championship sa Tashkent, Uzbekistan.

“We’ll be competing tomorrow @”2020 Asian Weightlifting Championship (uzbekistan Tashkent),” sabi ni Mary Flor Diaz, pinsan ni Hidilyn. “My competition start time 8:00 am &Hidiliyn diaz in 55 kgs cat @3:55pm,” sabi pa nito.

Kailangan lamang ni Diaz na makapagtala ng maayos na buhat sa clean and jerk at snatch upang makumpleto nito ang kanyang ikaanim at huling kailangang salihan na International Weightlifting Federation (IWF) sanction na torneo upang opisyal na okupahan ang isang tiket sa Tokyo Olympics.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang Philippine National Games at Batang Pinoy veteran na si Mary Flor Diaz ay sasabak naman sa Women’s 45kgs habang si Ellen Rose Perez ay nakatakdang sumabak sa Women’s 49kgs Sabado ng gabi.

Nakatakda ring sumabak sa Olympic event na Men’s 61kgs sa ganap na alas-2 ng hapon si John Fabuar Ceniza ngayon, Abril 18, bago si Diaz sa Olympic event Women’s 55kgs ganap na 6:55pm (PH time).

Ang torneo ay isang gold level qualification event para sa 2020 Tokyo Olympic Games. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.