Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz, Saso ariba kahit may pandemya

0 85

Hindi naging hadlang ang Covid-19 ngayong taon sa ilang mga atleta, lalo na sa mga eba na nagbigay pa rin ng karangalan sa bansa sa pangunguna nina weightlifter Hidilyn Diaz at golfer Yuka Saso para bigyang sigla pa rin ang kalunus-lunos na taong 2020 para sa mga Pinoy.

Kampeon ang 29 na taong-gulang, 4-11 ang taas at tubong Zamboanga City sa women’s 55-kilogram ng Roma Weightlifting World Cup sa Italy nitong January at sa 59kg ng Oceania Weightlifting Federation Eleiko Email international Lifters Tournament nitong July habang siya na-lock-down sa Malaysia.

Gaya ng hoister, dalawang korona rin ang sinungkit ng 19-year-old, San Ildefonso, Bulacan native Fil-Japanese rookie pro sa 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour nitong August – ang NEC Karuizawa 72 Golf Tournament at Nitori Ladies Golf Tournament.

Umeksena rin sina Irish Magno na nag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inuring lang ng July 2021 sanhi ng pandemya sa Asia & Oceania Boxing Olympic Qualification Tournament sa Jordan nitong March, naging tennis sensation Alexandra Eala nang makamit ng 15-anyos ang titulo sa 2020 Australian Open Girls’ doubles kapartner ang isang Indonesian nitong January;

Jamie Christine Lim at Joanne Orbon na mga nag-gold medal sa Ukrainian Karate Premier League Kharkiv Open nitong February buwan na umabog ang Bulkang Taal; Fil-Am sprinter Kristina Knott na giniba ang 33-year-old record ni legend Lydia de Vega-Mercado sa pinosteng 11.27 segundong naitala sa silver medal finish sa women’s 100 meter dash ng 2020 Drake Blue Oval Showcase sa Iowa, USA nitong Aug.

Vanessa Sarno at Rose Jean Ramos na mga nagreyna sa women’s 71 , at 65 kgs. divisions ng online International Weightlifting Federation (IWF) Youth World Cup Championships nitong November habang nananalasa ang mga bagyo gaya ni Ulysses.

Kasalu-saludo rin ang performance ng bagitong si Bianca Pagdananan sa US 71st LPGA Tour, tampok ang terserang tapos sa isang major event, skateboarder Margielyn Didal at iba pa. (Janel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.