Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz susundan si Yldefonso

0 20

Isa pang motibasyon kay Hidilyn Diaz upang lampasan ang 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medal niya ay ang mahanay kay two-time Oympic swimming bronze medalist Teofilo Yldefonso.

Siya ang magiging panagalawang Pilipinong Olympic multi-medal winner tapos ng Ilokanong manlalangoy mula samen’s 200-meter breaststroke ng 1928 Amsterdam Olympics at 1932 Los Angeles Games.

Mag-podium lang ang 30-anyos na barbelistang tubong Zamboanga City, bukod sa hahanay kay Yldefonso, mahihigitan pa niya ang rekord nito at magiging unang Pinay athlete na Olympic multi-medalist din.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa record at karaangalan, kasama rin siyempre ang malaking pabuya na mahigit P33M na magbubuhat sa Philippine Sports Commission sa liderato ni Chairman William Ramirez (P10M), San Miguel Corp. president at CEO Ramon S. Ang (P10M), MVP Sports Foundation chairman Manuel Pangilinan (P10M) at Deputy Speaker Mikee Romero (P3M).

Bukod pa ang manggaling kay Pangulong Rodrigo Duterte. Lalaban si Diaz sa 55-kilogram class sa Lunes, Hulyo 26. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.