Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz tagilid sa Olympics

0 206

Nanganganib mapurnada ang makasaysayang ikaapat na sunod na pagsabak ni Hidilyn Diaz at pag-uwi ng unang gold medal ng Pilipinas sapul noong 1924 sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na ni-reset lang sa July 23-August 8 sa Tokyo, Japan sanhi ng COVID-19.

Ito’y ‘di naman sa kapalpakan ng 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist, kundi sa International Weightlifting Federation (IWF) na balot ng korapsyon at pasaway sa International Olympic Committee (IOC).

SM food to go Banner Ad

Ibinunyag Huwebes ng Weightlifting manager for Tokyo 2020 na inilalagay ng IWF board sa panganib ang kinabukasan ng disiplina sa pagsasagawa nang matagal ng antalaang eleksiyon sa Oktubre, na labis kinainis ng IOC.

Hinirit ni IWF technical committee administrator & senior member Reiko Chinen na salungat ang aksyon ng board sa kagustuhan ng IOC na ayusin muna ang konstitusyon ng organisasyon bago mag-eleksiyon. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.