Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz tinanggap ang pabuya kay Duterte

0 107

Pinangunahan ni Tokyo 32nd Summer Olympic Games 2020+1 women’s weightlifting 55kg gold medalist Hidilyn Diaz ang mga tumanggap ng insentibo sa isang simpleng seremonya buhat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace heroes hall Lunes.

Iniabot ng Punong Ehekutibo sa atleta ang P10M mula sa Philippine Sports Commission at PAGCOR, P3M mula sa kanyang tanggapan, NHA housing unit title at Presidential medal.

Binigyan sina boxing silver winners Nesthy Petecio (women’s featherweight) at Carlo Paalam (men’s flyweight) ng tig-P5M mula sa gobyerno, tig-P2M buhat sa Presidente at titulo ng bahay at lupa, habang si bronze medalist Eumir Felix Marcial (men’s middleweight) ay may kabuuang P3M at house & lot din.

May P200K at Presidential citation naman si Olympic shooter Jayson Valdez mula rin kay Duterte na muling binati at pinasalamatan ang mga manlalaro sa binigay na karangalan sa bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.