Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz tinanggap POC pabuya

0 57

Napasakamay na ni 2020 Tokyo Olympic Games women’s weightlifting 55kg division gold medalist Hidilyn Diaz at tatlong boxer na sina silver winners Nesthy Petecio ng women’s featherweight at Carlo Paalam ng men’s fly at nag-bronzena si Eumir Felix Maricial ng men’s middle ang kanilang mga insetibo mula sa Philippine Oympic Committee (POC) combined virtual at physical general assembly sa Tagaytay Miyerkoles.

Pinangunahan ni POC president Abraham Tolentino ang pagtitipon na dinaluhan ng 42 mula sa 52 national sports association na miyembro ng POC.

SM food to go Banner Ad

Siya rin ang nag-abot ng P3M kay Diaz, tig-P2M kina Petecio at Paalam at P1M kay Marcial. Gayundin ang P500K each sa 15 pang Olympian na mga hindi nakamadelya.

Pinabatid din ni Tolentino na tumanggap ang POC ng citations mula sa Office of the President, sa Senado at Kongreso. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.