Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz: Walang imposible kahit may pandemya

0 308

Giniit ni newly-32nd Summer Olympic Games 2020+1 women’s weightlifting 55kg class gold medal winner Hidilyn Diaz na walang imposible kahit mahigit isang taon na ang pandemya, kagaya ng tagumpay niya sa Tokyo, Japan Lunes ng gabi.

“Nothing is impossible, even in this pandemic,” bulalas Martes ng 30-taon-gulang, may taas na 4-11 at tubong Zamboanga City sa press conference Martes kasama sina chef de mission Mariano Araneta Jr., Chinese coach Gao Kaiwen, strength and conditioning coach Julius Naranjo, nutritionist Jeaneth Aro, psychologist Karen Trinidad at Philippine Olympic Committee secretary general Edwin Gastanes.

Ngayong Miyerkoles ang balik ng bayaning atleta sa bansa mula sa Land of the Rising Sun kung saan tinapos niya ang may 97 taong tagtuyot ng ‘Pinas sa medalyang ginto sa quadrennial sports meet o noon pang 1924.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero deretso rin agad muna ang sundalong dalaga sa quarantine base sa pinaiiral na protocol sa bansa.

Makakapiling na ni Diaz ang pamiya niya na mahigit isang taong hindi nakasama dahil sa training bilang paghahanda sa Olympics.

“Naagkausap na kami ng mama ko. Tumawag ako sa kanya at nag-congratulate siya sa akin,” aniya pa. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.