Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz, Yulo kaya gold – Romero

0 83

Hindi magiging hadlang ang COVID-19 para sa mga atletang Pinoy na mawakasan ang pagkauhaw sa gold medal ng Pilipinas sa may 97 taon sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na ni-reset lang sa July 2021 dahil sa pandemya.

Ito ang kumpiyansang pinahayag Martes ni House Deputy Speaker Mikee Romero sa Online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na pinalakas ng Smart kasama Upstream Media bilang webcast partner.

“It’s a chance of a lifetime for these athletes. I hope we win the gold after 100 years of trying. It’s long overdue,” lahad ng mambabatas.

Bet ng sportsminded congressman na isang PBA team owner at Philippine polo team member, para sa gold sa quadrennial sportsfest sina weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxer Eumir Felix Marcial.(Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.