Abante Tonite Interactive

DiCaprio, Morrone grabe ang PDA

556

HOLLYWOOD

Si Leonardo DiCaprio at ang kasintahan na si Camila Morrone ay huling-huli sa aktong grabe ang PDA. Panay raw ang halik ng aktor sa malambot na labi ni Camila.

Double date sila nina Sean Penn at ang kanyang kasintahan na si Leila George sa Nerano, Italya.

Sobrang nag-enjoy sila sa pamamasyal sa Italy sakay ng isang napakalaking yate, pagkatapos ng isang nakakapagod na iskedyul para sa promo ng “Once Upon A Time In Hollywood”.

Gayundin ang kapwa artistang si Sean na halatang inspirado at masaya kapiling ang Australian girlfriend na si Leila. Halos hindi mapaghiwalay at panay rin ang halik nila sa bawat isa.

(Lourdes Fabian)