Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dick cookies, `di relo binili ni Digong – Palasyo

0 91

Sinopla ng Malacañang si Senador Dick Gordon sa patutsada nito na nagawa pa umanong mag-shopping ng mamahaling relo ni Pangulong Rodrigo Duterte habang naghihirap ang sambayanan dahil sa nararanasang pandemya.

Kaugnay ito sa pagpunta ng Pangulo kasama si Senador Bong Go sa isang shopping mall sa Makati kung saan nakitang tumitingin sila sa isang shop ng mga mamahaling relo.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, cookies at hindi mamahaling relo ang binili ng Pangulo sa Greenbelt shopping center nang mag-ikot doon noong Sabado.

Gusto umanong makita ng Pangulo ang takbo ng negosyo at nais din nito maramdaman bilang isang ordinaryong mamamayan ang makapag-mall, makakain sa labas at mabisita ang mga dating kakilala at kaibigan.

“President Duterte went around personally checking how businesses are faring with the re-opening of industries and the economy. PRRD stayed for a few minutes and bought cookies–not a high-end watch, as one senator maliciously implied,” sabi ni Roque. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.