Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dick ipaparalisa mo gobyerno, abuso ka na – Digong

0 119

Binanatan uli ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Dick Gordon sa banta umano nito na babawasan ang budget ng mga ahensiya ng pamahalaan dahil sa kanyang memorandum na nagbabawal sa mga miyembro ng gabinete na humarap sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee.

“You threaten the budget of different agencies of the executive because the officials refuse to attend to your hearings? Itong pang-aabuso talaga…And they threaten to paralyze government, I challenge you do it,” pahayag ng Pangulo.

Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa kanyang `Talk to the People’ Martes ng gabi kung saan hinamon nito si Gordon na dalhin sa Supreme Court (SC) ang usapin hinggil sa inilabas niyang memo sa mga miyembro ng gabinete.

Sa harap na rin ito ng pahayag umano ng senador na “stupid” ang inilabas na memorandum na nagbabawal sa kanyang gabinete na dumalo sa hindi matapos-tapos na imbestigasyon ng komite ni Gordon sa umano’y anomalya sa pagbili ng mga medical supply laban sa COVID-19.

SM food to go Banner Ad

“You call my memorandum stupid? Well, I challenge you: bring your arguments to the proper court and I will answer you,” sabi ng Pangulo.

Mabuti pa aniya ang mga doktor dahil alam at naiintindihan nila ang proseso hindi kagaya ng senador na paulit-ulit ang ginagawang mga pagtatanong sa ipinapatawag na mga opisyal ng ehekutibo.

Dapat aniyang isampa na sa korte ang kaso kung may nakitang mabigat na batayan ang ginagawang imbestigasyon ng Senado.

“We welcome the call of the Philippine College of Physicians that this matter should immediately be given to our courts and the Ombudsman. We have been saying this for the longest time and we all know that the Senate cannot prosecute. Mabuti pa ang mga doktor, alam at naintindihan nila,” pahayag pa ni Pangulong Duterte. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.