Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dick kuwentong kutsero mga atake — Palasyo

0 101

Tinawag ng Malacañang na kuwentong kutsero para sa interes sapolitika ang banat ni Senador Dick Gordon namayroong kamay ang ehekutibo sa grand conspiracy sa isyunginiimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sapagbili ng medical supplies para sa pagtugon sa COVID pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa tagal ng imbestigasyon ni Gordon sa isyu ay walang napatunayan namag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte sa bintang nanakialam ito sa pagbili ng medical supplies pabor sa mgaumano’y kaibigan nitong mga negosyante.

“Kuwentong kutsero po iyan sa panahon ng politika; pero kapagebidensiya po, walang ganyang ebidensiya. In fact, hindi nanapatunayan na may kinalaman iyong relasyon ng Presidente sapagbili ng mga PPEs,” ani Roque.

Paano aniya magkaroon ng ‘grand conspiracy’ kung walangnakitang overprice sa mga biniling medical supply at wala ring nalabag sa batas sa ginawang peocurement ng gobyerno. (Aileen ­Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.