Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Dick makukulong ka sa P140 million’ – Duterte

0 142

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na babalik kay Senador Dick Gordon ang postura nito bilang anti-corruption prober kapag sinampahan ito ng pamahalaan ng kasong malversation o plunder.

Kaugnay umano ito sa notice of disallowance ng Commission on Audit (COA) laban sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa panahong si Gordon pa ang nakaupo bilang chairman nito.

“I think it is high time to expose these people in the Senate who try so very hard to personify themselves as incorruptible and clean. Magandang abangan natin lahat na ang mag-imbestiga baka imbestigahan ngayon para siya pa ang makasuhan ng plunder,” sabi ng Pangulo.

Hanggang ngayon hindi pa aniya naipapaliwanag ni Gordon kung saan napunta ang P140 milyong pondo ng SBMA na binigyan ng notice of disallowance ng COA habang nakaupo ang senador bilang SBMA chairman mula 1992 hanggang 1998.

“So saan na `yong pera? Mr. Gordon, you are appearing all white because you have painted everybody black there. So ikaw na `yong lumabas na puti. Anong nangyari dito sa kaso mo? Hindi mo binayaran. It’s a malversed money. It’s the people’s money that you have used. Binigay mo ba https://transparentpharmacy.net sa ano o niregalo mo sa ano o ginamit mo sa kampanya?” sabi ng Pangulo.

Inapela umano ni Gordon at ng SBMA ang naturang kaso sa Supreme Court subalit natalo sila kung kaya’t dapat lamang na isauli ang pera.

“Natalo ka and the verdict is final and executory na. So no appeal, no nothing except for you to pay. Isauli mo ‘yong pera, that is your civil liability. Iyong criminal liability mo, iyon ‘yong malversation,” anang Pangulo.

Inihayag pa ng Pangulo na `natulog’ umano ang kaso subalit noong 2016 ay pinadalhan ang senador ng demand letter para isauli na ang pera.

“`Pag hindi mo nabayaran within the period demanded of you, then it becomes your personal liability and the case goes to the Ombudsman for malversation,” sabi ng Pangulo.

Kinalampag nito ang Solicitor General para hilingin sa COA na umaksiyon sa disallowance ng SBMBA at paalalahanan ito sa constitutional duty ng komisyon na kolektahin ang P140 milyong nakasaad sa demand letter na pinadala umano sa pamamagitan ng registered mail.

“Disallowance is when the notice of disallowance is simply you return the money, but the other side of the picture is that you have committed because you malverse the money, you can go to prison so the other side of that is really malversation. Dikitan ninyo ‘yan at hindi aabot ng election time ‘yan si Gordon,” pahayag pa ni Pangulong Duterte. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.