Abante Tonite Interactive

Dick vs TT, matira ang MATIGAS!

90

MAYROON kayang film maker o TV station na mangangahas at magiging matapang na gawing inspirasyon ang mga sitwasyong politikal sa kasalukuyan para sa kanilang pelikula, drama anthology o situational comedy?

Kasi, ang mga kaganapan sa pulitika, mas hitik na hitik pa sa drama kesa sa mga pinapanood natin.

Mas maigting. Apek­tado tayo sa mga nakikita at naririnig natin.

‘Kalokang halimbawa, ang bangayan nina Senador Dick Gordon at Antonio Trillanes sa august halls of the Senate.

Hindi nagustuhan ni Senador Gordon ang pasaring ni Ginoong Trillanes.

Sinumbatan ni Dick ang senador na tila ang hobby ay ang pagku-coup, tapos mag-a-apologize ito, magpapakulong, magpapaawa.

Ang buwelta ni Trillanes, itong si Gordon eh nag-rally pa dati para hindi matanggal sa Subic Port.

Nag-aabang ako na suntukin na ni Senador Trillanes si Senador Dick.

Parang walang keber si Ginoong Trillanes sa paninindak ni Dick na he will file a complaint sa ethics committee. Kung nauwi sa suntukan ang bangayan, ang saya-saya nu’n, di ba?

Hindi maitagong pikon na pikon si Ginoong Gordon sa pang-uurat ni Senador Trillanes.

Magkatabi pa naman sila. If cooler heads did not prevail, baka ang gavel na hawak ni Senador Gordon, pinambambo na kay Senador Trillanes.

Kung nangyari yun, so reminiscent of the pagpukpok of Divina Valencia kay Rey de la Cruz ng microphone sa isang showbiz talk show.

Kanino ba tayo kakampi sa away na ito, kay Team Dick o kay Team Trillanes, TT for short?

Ang taray di ba, Dick versus TT, matira ang matigas! Panalo ang maugat!

***

Ang isa pang the plot that continues to thicken ay ang mga latest paha­yag ni President Digong Duterte na ang pamil­yang Marcos, handang ibigay ang portions of their ill gotten wealth at some gold bars para sa ikauunlad ng bayan.

Dapat ba tayong mag­lulundag sa tuwa sa gesture na ito o bumagsak ang mga panga natin at nagdadabog in a major, major way ang ating bangs?

Paano nangyari ang story arc na ito?

Sino ang may pa­kana?

For real at may sinseridad ba ito, divertionary tactics para iba ang mapag-usapan dahil sa kasalukuyan eh pasung-paso ang gobyerno?

How can this be? Gullible ba ang ating Presidente o sadyang gusto niya lang ang peace at reconciliation, na tapusin na ang lahat at mag-move forward na tayo?

Let us bury the hatchet and hatred so to speak at sa kanyang Bagong Lipunan, bagong pondo ang darating?

At for the first time, may hulog ang hanash ni Speaker of the House Pantaleon Alvarez na dapat may proper accounting kung how much is the doggie in the window — ang itinatagong ill gotten wealth.

Hindi pwedeng a portion there of lang at lalong hindi pwedeng isa, dalawa o tatlong bars lamang.

Dapat ang lahat ng mga alleged na ninakaw, isauli sa kaban!

Ang nakakaalarma rito, sakaling may sulian ngang mangyayari, ano ang kapalit sa balik-yaman?

Imposibleng wala. Hindi makatotohanan na wala itong kapalit lalo na’t the Marcoses are involved.

Kung ibibigay ang itinagong yaman at gold bars, kani-kanino ba itong mapupunta? Saan ba ito gagamitin?

Diretso ba ito sa mga pamilya ng desaparecidos? Ibibigay ba ito sa mas nakakarami pa ring descamisados?

May mga hospital at paaralang maipapatayo pa rito? Ang mga batang belonging to urban settling families, libre na ba ang paaral, pabaon, pa-uniform, pa-projects, at pa-libro, pa-bags at school supplies mula kinder hanggang kolehiyo dahil sa alay na ito?

At ang thank you very much for this wonderful question, bakit ganu’n katindi ang “bond” ng mga Marcos kay Pres. Duterte?