Abante Tonite Interactive

Dicky Lim sa 6th IGF

244

Mga klasmeyt, umpisa na ngayong araw ang 6th International GameFowl Festival na gaganapin sa SMX Convention Center, Halls 3-4 at magandang balita ­dahil maraming mga sikat na breeder ang naimbitahan.

Kaya paniguradong masisiyahan kayo at marami kayong pagpipilian sa mga ihahain sa inyo.

Masisilayan ninyo sa nasabing event na tatagal ng tatlong araw ang sikat at petmalu na si Dicky Lim, at nasa booth No. 3 nakalagay ang kanyang mga pambatong bloodline na panabong.

Nandiyan din si ­Sonny Lagon, nasa booth No. 1 ang kanyang mga alaga.

Kaya magsama-sama na kayong magbabarkada at marami kayong puwedeng gawin sa tatlong araw na event.

Puwede kayong manalo ng ipapa-raffle nilang mga tandang o inahin. Sugod na mga kasabong!

***
Kung gusto ninyong dumayo, may 3 Hits Super Ulutan “Pang Masa” ngayong araw sa Turato Coliseum sa Sta. Ignacia, Tarlac.

Mayroon ding 5-Cock Invitational Derby sa New Lamut Cockpit Arena.

***
Good luck Engr. Jonathan Manzano sa laban ninyo sa Linggo sa Ilocos, sana manalo ang manok ng kumpare nating si Jose Lagartera.