Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DICT bubusisiin DOH sa zero COVID death

0 108

Walang naitalang COVID-19 related death ang Department of Health (DOH) kahapon, Hulyo 23.

Pero ayon sa DOH, dulot ito ng mga technical issue sa kanilang case collection system.

Bunsod nito, nananatili sa 26,891 ang COVID death toll sa Pilipinas.

“Note that the zero deaths reported today is due to the current issues with COVIDKaya. This is currently being investigated with the Department of Information and Communications Technology,” paliwanag ng DOH.

Samantala, panibagong 6,845 katao naman ang nagpositibo nationwide.

Ito ang pinakamataas na daily recorded case ngayong buwan.

Dahil dito, umakyat sa 55,069 ang active case habang 2,330 naman ang bagong nakarekober. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.