Abante Tonite Interactive

Didal dedma sa Australia bushfire

226

Hindi alintana ng mga ­pa­ngunahing skateboarder ng bansa na sina ­Margielyn Didal at Francisco ‘Kiko’ ­Francisco ang panganib sa bansang Australia, na ­kasalukuyan pa ring dumaranas ng ­malawakang bushfire, habang patuloy ito sa matinding pagsasanay ­bilang paghahanda sa ­nalalapit na 2020 Tokyo Olympic ­Qualifying Tournament sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni Skateboarding president Monty Mendegoria na mayroong limang Olympic qualifying event at anim na five-star tournament na kinukunsidera rin na mga Oympic qualifying event na gagawin simula Pebrero hanggang sa buwan ng Mayo.

Tanging ang mga nasa Top 20 na Street and Park skateboarder sa buong mundo ang makakapagkuwalipika sa Tokyo Summer Games na gaganapin simula Hulyo 29 hanggang Agosto 9.

Kasalukunang nasa No. 14 sa buong mundo si Didal habang si Francisco ay nasa Number 23.

Ang dalawang pang skateboarder na sina Christiana Means at Daniel Lederman ay nasa mataas na ranking na 70 pataas kaya hindi na nagha­hangad na makapagpartisipa sa mga torneo o sumabak sa mga qualifying event para sa Tokyo Summer Games.

Nagtungo sa Hong Kong si Didal kasama ang 17-anyos na si Cindy Serna at Mac Feliciano nakaraang linggo para sa isang buwang pagsasanay sa Lei Foo Skate Park.

Nagsasanay naman si Kiko sa isang pasilidad sa Carson, California. (Lito Oredo)