Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Didal hahablutin Olympic ticket

0 161

Tuloy sa pagtatangkang makasungkit ng 2020 Tokyo Olympic ticket si 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games gold medalist Margielyn Didal ngayong buwan.

Sumablay sa finals sa nakaraang Linggong Dew Tour 2021 sa Des Moines, Iowa nang mag-12th place lang sa 12.06 points, babawi ang Pinay sketaboarder para sa huling dalawang tsansa sa quadrennial event.

Para mag-qualify sa Olympics kailangan ng 22-year-old Cebuana skater na mag-Top 3 sa Street World Championships 2021 sa May 30-June 6 sa Rome.

Kundi pa rin papalarin, maaari pa ring makapag-quadrennial event si Didal kung makakapasok sa Top 16 ng world rankings patungo sa Summer Games.

Sa kasalukuyan, nasa No. 14 sa world rankings ang isa sa top player ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines Inc . (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.