Abante Tonite Interactive

Didal, iba pa magkakasama-sama

137

Sa susunod na linggo inaasahan nang mabubuo na ang Philippine skateboarding team na isasabak sa 2019 Southeast Asian Games 2019.

Patapos na rin ang ginagawang venue sa Tagaytay.

Parating na sina Margie Didal at Kiko Francisco, kasama si coach Daniel Bautista sa bansa sa Miyerkoles mula Rio de Janeiro sa Brazil. Sa susundo na linggo ay uumpisahan na nila ang ensayo sa Tagaytay street and park courses.

Paparito na rin si Fil-Am Cristiana Means mula Oregon sakto sa final preparations ng national skateboarding team.

Nasa bansa na ang galing din sa training abroad na si Jeffrey Gonzales, ayon kay Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines president Monty Mendigoira ay nakikipag-ensayo na sa national team.

Sa unang pagkakataon, lalarga ang skateboarding sa SEAG na iho-host ng Pilipinas. Magde-debut din ang sport sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Ginagamay na ng four-man downhill skateboarding team na pinangungunahan nina Jaime Delange at Abigail Veloria ang course sa Maragondon.
Sa Dec. 3-8 ang SEAG skateboarding competitions taya ang walong gold sa Park, Street, Game of Skate at Downhill competitions.

Sa Nov. 28 at 29 ay inaasahang magdadatingan na ang skateboarders mula Indonesia, Thailand, Myanmar, Malaysia, Singapore at Vietnam para sa official practice sa Tagaytay skatepark/street courses sa Dec. 1 at 2. (VE)