Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Didal may kinikita kahit ECQ sa Cebu

0 164

Walang sinasayang si 2018 Indonesia Asian Games skateboarding gold winner Margielyn Didal kahit may naka-ehanced community quarantine ang Cebu City sa COVID-19 para sa paglilibot at pagsasanay bukod pa sa ekstrang kita.

Sa Facebook post ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon “El Presidente” Fernandez kahapon, ikinatuwa nito ang paglalako ng itlog ng isa sa mga 2021 Tokyo Olympics hopeful hindi lang sa pagnanais na magkaroon ng dagdag na kita para sa pamilya kundi pati para mai-promote ang kanyang sport.

“Entrepreneur of the Year!,” post ng isa sa apat na commissioner PSC at four-time PBA MVP. “Fresh eggs delivered at your doorsteps by no less than the 2018 Asian Games and 2019 SEA Games gold medalist and 2021 Olympics medal hopefull! Thank you Margielyn Arda Didal!

Naghihintay pa ang Pinay professional street skateboarder na makalahok sa mga naudlot na Tokyo Olympic Qualifying Tournament upang masiguro nito ang kanyang silya sa binyag ng skateboarding sa quadrennial sportsfest. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.