Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Didal pinasaya mga kapuspalad

0 56

Tunay na inspirasyon para sa lahat si 2020+1 Tokyo Olympian skateboarder Margielyn Didal na umayuda sa mga kapuspalad ngayong may pandemiya.

Sa “The Margielyn Didal Program #01” YouTube vlog ng 22-year-old athlete, ibinahagi niya Lunes ang paghahandog niya ng libreng pagkain sa mga bata at mga walang matirahan.

SM food to go Banner Ad

“It brings happiness (that) we have fed a lot today,” sey ni Didal, 2018 Indonesia Asian Games at 2019 PH Southeast Asian Games gold medalist.

Hindi naman kinalimutan Olympics women’s street event seventh placer na pasalamatan ang kanyang pamilya, nobya at ilan pa na tumulong sa kanyang feeding program. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.