Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Didal pumitas ng silver sa Madrid

0 168

Wagi ng silver medal sa Madrid Urban Sports virtual event si Margielyn Didal, Linggo (Manila time).

Pumangalawa sa skateboard women’s event ang Pinay 2018 Indonesia Asian Games 2018 gold medalist sa okasyon na nilahukan din ng international skaters.

Hinablot ni Japanese Nanaka Fujisawa ang gold habang bronzewinner naman si Brazilian Gabriela Mazetto.

Kaka-silver lang kamakailan ni Didal sa Santa Cruz Best Street Video Part 15-29 ng Thrasher Magazine 2020 Virtual Exposure video contest din. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.