Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Didal walang puknat ensayo

0 175

Hindi tumitigil sa puspusang pag-eensayo si Margielyn Didal para sa paghahanda sa mga Olympic Qualifying Tournament (OQT) at mapasama sa naurong sa 2021 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Pinagtiyagaan ng Indonesia 2018 Asian Games women’s skateboarding champion ang nadadaanang railings upang maisagawa ang mahihirap na tricks at kahit na hindi handa na routine upang magamay ang sarili habang hinihintay ang muling pagbabalik ng mga torneong napagpaliban sapul noong Marso dahil sa COVID-19.

“Frontside boardslide sa Cebu, proud Cebuana,” aniya kahapon sa Instagram post (@margielyn didal) habang pinapanood ng dalawang bata sa pagpapadausos sakay ng kanyang skateboard sa isang kalsada.

Desidido aniya siyang makapag-Olympics sa debut ng nilalaro niya sa quadrennial sportfest.

Positibo rin sa kanyang tsansa ang Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at ang Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.