Abante Tonite Interactive

DO-OR-DIE ANG LADY STAGS

143

Mga laro ngayon (PhilSports ­Arena)
12:00 noon — Lyceum vs. Perpetual­ (jrs)
3:30 p.m. — SSC vs. Arellano (women’s)

Bawal kumurap ang last year’s runner-up San Sebastian, isang mali pa at malilintikan na sila sa Arellano ­University.

Nilamon ng Lady Chiefs ang thrice-to-beat edge ng Lady Stags matapos sikwatin ang panalo sa Games 1 at 2 sa finals ng women’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament.

Do-or-die ang last year’s runner-up Lady Stags ngayong hapon sa PhilSports Arena sa Pasig, kailangang manalo para magkaroon ng tsansa na maibalik ang korona sa kanilang bakuran.

Winalis ng Lady Chiefs sa tatlong sets ang Baste 25-18, 25-20, 25-16 sa Game 1, sinundan ng mahirap na panalo sa Game 2 18-25, 25-16, 25-11, 26-28, 15-13 noong Biyernes.

Emosyonal ang Lady Chiefs dahil sa pagkamatay ng asawa ng kanilang coach kaya inaasahang lahat gagawin nila para makuha ang titulo.

“Gusto ialay ng mga bata ‘yung ­panalo sa asawa ko, pero sabi ko sa kanila na huwag masyado magpaapekt­o at mag-focus sa laro,” ani Arellano coach Obet Javier.

Namemeligrong maulit sa Lady Stags ang nangyari sa kanila noong nakaraang season, thrice-to-beat din sa finals pero natalo pa sa College of Saint Benilde.

Sa juniors play, susubukan ding tapusin na ng Perpetual ang Lyceum nga­yon para iuwi na ang titulo.