Abante Tonite Interactive

Die hard Ginebra fan suklam na suklam kay Arwind cancer!

By
3,492

Minura, ipinagdasal na magkaroon ng injury at tinawag na cancer!

Umuusok sa galit sa Instagram ang pinaniniwalaang die-hard Ginebra fan na si April Macawili kay San Miguel Beermen forward Arwind Santos matapos banggain si Scottie Thompson dahilan para ma-eject sa laro ang one-time Most Valuable Player (MVP) bago matapos ang 134-109 victory ng SMB laban sa Ginebra Gin Kings Linggo nang gabi sa Smart Araneta Coliseum para itabla ang best-of-seven PBA Commissioner’s Cup finals sa 1-1.

“Laki-laki mo arwind binubuta ka lang ni scottie mahiya ka naman puro ka kasi yabang e,” ayon sa nanggagalaiting post ng naturang Instagram user.

Isang Ryan Ponce (@ryanponce05) ang nag-post ng galit na ito ni Macawili. “Boss A, eto ung isa sa mga fans ng kabs na galit na galit sayo at hinihiling na ma-injury ka. Sabi niya kapag natalo Ginebra sa game 5 papakalbo siya. God Bless na lang sa iyo April and sana ilagay mo sa lugar ang pagiging Ginebra fan at PBA fan mo. Nawa ay di mangyari sayo ang hinihiling mo sa ibang tao.”

Tila hindi matanggap ni Macawili ang pagbunggo ni Santos kay Thompson, at ang pagresbak ng Beermen sa kanyang Gin Kings kaya nag-aapoy ito sa galit.

“Puta yung matitino pa nababalian pwede namang si arwind nalang,” patuloy pa ni Macawili, na tinawag na bagong cancer ng PBA si Arwind. “Dati si jared lang ang cancer sa pba pinalitan na ni arwind. Namo ka arwind.”

Namumutakti sa galit si Macawili at ayaw tantanan ng mura ang San Miguel veteran. “Tangina mo punong puno na ako sayo animal ka.”

Isa namang @missreah ang nagkomento sa mga pinagsasasabi ni Macawili. “Shame. parang di babae.”