Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diego, Barbie dedma sa intriga: Happy kami

0 177

NI:DOMINIC REA

Inamin ni Barbie Imprerial na ibibiyahe niya hanggang dulo ang relasyon nila ngayon ni Diego Loyzaga.

Mas mahalaga diuamong inilalaban ang isang relasyon at kung sakaling hindi makarating sa dulo ay mas pahahalagahan na lang daw ang mga magagandang alaalang nabuo niya kasama si Diego.

Pero ayon sa aktor, hindi pa sumagi sa kanilang isipan ang salitang hindi sila aabot sa dulo.

SM food to go Banner Ad

Aminado naman ang dalawang bida ng pelikulang Dulo na sa kasalukuyan ay may mga little problems naman silang pinagdadaanan. Pero, hinaharap naman daw nilang dalawa na maayos ito.

Nagsalita na rin si Diego na wala na silang panahong patulan o magbigay ng pahayag sa kasalukuyang intrigang kinasasangkutan .

Nakiusap na mismo si Diego sa entertainment media na siya na ang magsasalita at hindi na si Barbie dahil okey silang dalawa ni Barbie.

“To set the record staight ” Barbie and I are okey. Napakaraming trabaho. Marami kaming plans. Daming parating na work. Were happy! ” deklara ni Diego.

Leave A Reply

Your email address will not be published.