Abante Tonite Interactive

Diego binatikos sa pagputol ng puno

By
0 1,369

Feeling cozy ang mag-inang Teresa Loyzaga at Diego Loyzaga sa kanilang Antipolo getaway.

Nag-post pa ang actor ng photo at video sa Instagram habang nagpuputol ng puno ang anak.

“Hardinero for the day. Antipolo get away,” caption niya sa post.

Pinuna naman ng mga netizen ang post at sinabing bakit umano ito nagpuputol ng puno gayong ang iba ay nagpapakahirap sa tree planting.

@missearthinsidereport, “Hardinero pero pinutol yung puno?”

@em_jami, “Bakit niya pinuputol ang mga puno?”

@chatsupreme, “Easy to kill a life of a tree. Not good for everyone to see.”

Depensa naman ni Diego ay hindi naman daw umano pinutol ang puno kundi tinanggal lang ang patay na sanga para umusbong ng bago. To the rescue naman ang kanyang mader na si Teresa at ipinaliwanag.

Aniya, “Prunning lang and clean up. Taking advantage of the rain for new foliage. We have 9 lansones, 12 guyabano, 7 avocados, about 30 langka and another 30 lychee trees to plant. Just 1 ipil-ipil had to go. Make room for more. We share your passion for trees. Thank you for your care.”

May IG story rin si Diego na ang caption, ‘Bashers­/mga mema’.