Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diego ‘di pasaway kay Direk Romm

0 196

NI: ROLDAN CASTRO

Mistulang may Diego Loyzaga Film Festival ngayong December.

Isa na namang movie ang ipapalabas ngayong December 15-24 entitled ‘Minsa’y Isang Alitaptap’ na tinatampukan din nina Teresa Loyzaga, Ron Macapagal at Ms. Gina Pareno.

Ang naturang movie ay nasa ilalim ng multi-awarded director na si Romm Burlat.

Kumusta ang pagdidirek kay Diego?

“ Diego is a real pro. Wala akong naging problema sa kanya. Mabait. He follows instructions,’ pakli ni direk sa chat.

Challenge ba sa kanya na sabay naidirek ang mag-ina?

“He comes on time. I thought it will be a challenge to direct the mag ina pero hindi. Wala akong naging problema sa kanila. Very cooperative,” lahad pa niya.

Mabibili na ang tiket ng ‘Minsa’y Isang Alitaptap’ hanggang December 23 sa KTX.ph at ticket2me.

Ito ay prodyus ng TTP ni Ms. Teresita Pambuan, katuwang ang ROMMantic Entertainment Productions. Pinupuri ni Madam Teresita ang kanyang mga artista dahil maghuhusay at ‘di nagbigay ng sakit ng ulo.Nakikipag-cooperate daw ang mga ito para lalong mapaganda ang mga eksena.

Ang naturang pelikula ay sinulat nina Marvin Gabas at Paola Villena.

“Ang kuwento ng Minsa’y Isang Alitaptap ay tungkol kay Lucia (Teresa) at sa kanyang pagbalik sa lugar kung saan siya lumaki, kasama ang kanyang mga magulang. Sa kanyang pagbabalik, manunumbalik at muling mabubuksan ang mga alaala ng nakalipas na kanyang iniwan noong panahong kinailangan niyang itago sa dilim ang isang pangyayari na para sa kanya ay isang trahedya na nagpabago sa kanyang buhay. Tulad ng mga alitaptap na madalas ikuwento ng kanyang inang si Amelia (Gina), muling didingas at liliwanag ang mga alaalang kanyang tinakasan.”

May mapupulot na aral sa ’Minsa’y Isang Alitaptap’ na hindi dapat palampasin ng mga estudyante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.