Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diego enjoy na wala si Barbie sa Tate

0 72

NI:VINIA VIVAR

Sa latest Instagram post ni Diego Loyzaga ay in-off na niya ang comment section dahil marahil, naloloka na rin siya sa mga tanong ng netizens kung nasaan ang girlfriend niyang si Barbie Imperial.

Kasalukuyang nasa US si Diego at doon siya nag-Bagong Taon. Hindi niya kasama si Barbie kaya agad nagkaroon ng espekulasyon na break na sila.

Makikita sa mga recent post ni Diego na mukhang nagi-enjoy siya sa US. Panay ang pasyal niya at ito ngang huli ay makikitang nag-shopping pa siya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa isang post niya na naka-on ang comment section, isang netizen ang nagkomento na parang kumpimasyon na raw ito na single and free na ngayon ang aktor.

“Awww kakasad hindi na part ng 2022 mo c @msbarbieimperial 😔😔😔😔😔 bkit? Sna d nyo nalang kmi pinakilig😭,” komento ng isa pa niyang follower.

“Wala na talaga sila ni barbie,” sabi pa ng isa.

Well, wait and see na lang tayo kung ano nga ba talaga ang totoo. Pasasaan ba’t lilitaw din naman ang katotohanan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.