Abante Tonite Interactive

Diego hinamong magpa-drug test

By ,
799

Sangkatutak na pan­lalait ang inabot ng aktor na si Diego Loyzaga mula sa mga netizen dahil sa iskandalong kinasasangkutan nito sa isang Grab driver at hinamon pa ito na magpa-drug test.

Nag-ugat ang isyu sa reklamo ng isang Grab driver na si John Ronnel Paglalunan na sinampahan ng kasong ‘malicious mischief’ si Diego sa Manila Police District (MPD)-Station 9 dahil sa umano’y paninipa nito sa kanyang sasakyan.

Nangyari ang insidente dakong alas-tres ng madaling-araw sa ­Malate, Maynila kamakalawa kung saan nag-beat the red light diumano ang grupo ng aktor.

Sa mga pinag-uusapang video at report sa insidente, inaakusahan ang binatang aktor na nakainom at may kasamang bodyguard na umawat nang tangkain nitong katukin ang salamin ng Grab driver habang nagpi-peace sign.

Pati ang kanyang ina na si Teresa Loyzaga ay hindi nakaligtas sa pam­babatikos ng mga netizen.

Anak si Diego ng ­aktor na si Cesar ­Montano kay Teresa.

May mga netizen na hinamon pa si Diego na magpa-drug test.

stph_montoya: “Tama na ang pagtatakip mo sa anak mo. Okay lang sana if this is the first time that he had been involved in an incident, eh pang ilan na to?! Even if you say that it was the driver’s fault, it’s not an excuse for him to behave that way (if youre really saying the truth). Stop tolerating your son’s action because he keeps on repeating it. Masyado siyang mayabang, wala pa naman napapatunayan. Bakit di mo kaya siya ipa-drug test?”

kintanar_ruel: “Dapat tinuturuan ng leksyon yung mga ganitong klase ng mga tao na hindi porket artista ka or anak ka ng artista ang asta mo daig pa ng presidente…iba ka dapat maging role model ka kasi napapanood ka sa tv lol.”
To the rescue rin naman ang mga supporter ni Diego.

gayotinpamela: “Good luck @diegoloyzaga we’re here to support u no matter what. God bless! Bashers sobra kau parang andun kau nang mangyari yun kung mang bash parang wagas. d pa nga ninyu alam ang totoo si diego na ang masama huwag na kc kau sumali kc wala naman kau doon. To the haters of diego #PEACEUALL.”
_prettyishcamille: “No matter what they say, kaming mga totoong nagmamahal sayo, ay laging mananatili. I love you D! @diegoloyzaga.”

Shenshenleonardo: “SaNagsalita na rin si Teresa sa insidente at pinagbintangan ang Grab driver na mabilis diumanong gumawa ng kuwento laban sa kanyang anak.

Pero, ayon naman sa salaysay ng Grab driver, nagbaba siya ng pasahero sa bandang Taft Avenue nang biglang sumulpot ang convoy ng isang sasakyan at motorsiklo.

Biglang bumulusok umano ang sasakyan nina Diego, nag-beat the red light at nakita na lang ang aktor na papunta sa kanya na lasing na lasing at pagewang-gewang upang sitahin siya. Nanlilisik pa umano ang mga mata nito.

Sa kuwento ng Grab driver, binato ng aktor ang kanyang sasakyan at sinipa pa nito kaya lumuwang ang bumper sa harap.

Nakunan niya ng video ang pag-awat ng mga kasama ni Diego at maging ang pagkatok nito sa bintana sa may driver’s seat para patunayang sinugod talaga siya ng aktor.

Wala pang pahayag si Diego sa insidente pero may mga nagsasabing “bothered” at “disturbed” umano ito ngayon.

Mabilis din ang balitang binigyan diumano si Diego ng ‘sanction’ ng Star Magic na magpa­hinga muna.

May impormasyon din na mayroong pagtatangka na aregluhin ang insidente pero nauwi din ito sa wala.