Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diego inurot ni Gerald

0 155

NI: ARCHIE LIAO
Marami ang kinilig sa post ni Diego Loyzaga tungkol sa lovey-dovey relationship nila ni Barbie Imperial.

Ang lakas kasing makatunaw ng kanyang endearing message sa girlfriend na “I promise to keep that smile on your face.”

Hindi naman napigilan ni Gerald Anderson na mag-react sa nasabing post ni Diego para sa kanyang nobya.

“Sa th3rd floor mo ata natutunan mga ganyan galawan bro ah,” komento ni Gerald.

“Haha congrats bro,” dugtong niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maraming netizen ang nag-like sa komento ni Ge sa post ni Diego.

Meron namang nagsabing tila aral daw kay Gerald si Diego pagdating sa tinik at pagpapakilig sa girls.

Ang th3rd floor na tinutukoy ni Gerald ay ang gym na pagmamay-ari niya na naging paboritong tambayan noon ng local celebrities.

Sey naman ng iba, naiinggit daw si Ge kay Diego dahil lantad na happy ito sa kanyang relasyon.

Hindi rin daw dapat pagkumparahin sina Gerald at Diego dahil walang record ng pagiging chickboy ang huli kung ihahambing umano kay Ge at sa amang si Cesar Montano.

Leave A Reply

Your email address will not be published.