Abante Tonite Interactive

Diego lilipat sa Kapuso?

By
371

Kinumusta namin kay Teresa Loyzaga ang anak niyang si Diego pagkatapos nitong mapa­balita na diumano’y nagtangkang magpakamatay sanhi ng depression.

“Abangan ninyo,” ang natatawang sabi lang ni Teresa.

As a mother, paano niya sinusuportahan si Diego lalo na nu’ng dumaan ito sa matinding depresyon?

Abante Hiring – IT dep

“I have two sons. So let’s not limited to just him. I always make myself availa­ble for my children. And that’s how it will always be,” pakli niya.

Sinigurado naman ni Teresa na babalik pa rin sa showbiz si Diego.

“Just watch out for him.”

Pero how true na lilipat na raw si Diego sa GMA 7 at iiwan na nito ang ABS-CBN 2?

“I will not say anything with regards to that. I can only say watch out for what’s happening on him,” tugon niya.

Hindi pa nakakatrabaho ni Teresa sa kahit anong proyekto si Diego. Kaya wish niya na makatrabaho ang anak.

“Pinag-uusapan namin ‘yan na sana may project na dumating na magkasama kami,” sey pa ng aktres nang makausap namin sa FDCP Film Ambassadors Night nu’ng Linggo sa SM Aura, Taguig.