Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diego nahawa ng virus kay Barbie

0 118

NI: ROLDAN CASTRO

Buong ningning na inamin ni Diego Loyzaga na pareho silang nagka-COVID -19 ng girlfriend niyang si Barbie Imperial.

Ito ang ibinunyag niya sa face-to-face presscon ng Pinoy adaptation ng K-drama na ‘Encounter’ na mapapanood na rin sa Vivamax.

 

“I was there with her. Pareho po kaming nagkaroon kasi hindi namin alam noong time na ‘yon. I was taking care of her and nagpa-test siya, it came out positive so I got to test din,” deklara ni Diego.

Mas malakas lang daw ang resistensya niya kaya gumaling siya agad. Asymptomatic daw siya at walang naramdaman. Wala pang 2 weeks nag-negative na siya sa result.

“Parang it passed me lang. Pero Barbie was okay, she got better. Malakas ‘yung si Bie, she’s strong,” lahad pa niya.

Noong Abril inamin ni Barbie na tinamaan siya ng COVID.

Samantala, pinapanood pala ni Barbie ang serye nina Diego at Cristine Reyes na ‘Encounter’ sa TV5. Ginagampanan nila ang papel na pinasikat nina Song Hye-kyo at Park Bo-gum.

Sey nga ni Diego nahihiya siya pag pinapadalhan siya ni Barbie ng screen shot ng mga eksena niya pero natutuwa siya sa suporta ng gf.

Ngayong Hulyo 23, mapapanood na rin ang ‘Encounter’ sa Vivamax.

Mapapanood ditto ang mga mahahalagang eksena na nasa orihinal na “Encounter”, tulad ng romantikong sunset scene. Hindi man natuloy ang balak nilang mag-shoot sa ibang bansa dahil sa pandemya, naging perpekto ang Cape Bojeador Lighthouse sa Burgos, Ilocos Norte.

I-stream na ito upang malaman kung bakit hindi makalimutan nina Selene (Cristine)at Gino (Diego) ang kanilang pagtatagpo sa Ilocos kahit na bumalik na sila sa kanilang normal na buhay sa Maynila.

Sundan kung paano mabubuo ang kanilang relasyon sa kabila nang mga kontrabidang nakapaligid sa kanila, tulad ng ex ni Selene na si William Trevino, na ginagampanan ni Ivan Padilla, ang kanyang mother-in-law na si Helen (Isay Alvarez) at ang kanyang mga magulang na sina Cynthia at Andres (Maricel Morales at Robert Seña).

Kasama rin dito sina Yayo Aguila, Jeric Raval, Vitto Marquez, Aubrey Caraan, Benj Manalo, Raquel Montesa, Rey PJ Abellana, Candy Pangilinan, Raul Montesa, Josef Elizalde, Anna Jalandoni, at Louise delos Reyes. Ito’y sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store.

Leave A Reply

Your email address will not be published.