Abante Tonite Interactive

Diego naka-recover na sa depresyon

485

Kahit matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz, nananatiling close si Diego Loyzaga sa kanyang step-mom na si Sunshine at sa kanyang half-siblings na sina Angelina, Francheska at Samantha.

Katunayan, madalas makipag-bonding si Diego ngayon sa kanyang mga kapatid.

Kung gugustuhin ni Diego, puwede na itong bumalik sa showbiz anytime.

Makikita na naka-recover na ito sa depression na kanyang pinagdaanan. Nakagabay naman kay Diego ang kanyang ina, ang actress na si Teresa Loyzaga.

‘Adan’,’ Damaso’ salpukan sa takilya

Magkasabay na huhusgahan ngayong Miyerkoles, November 20, sa mga sinehan ang dalawang locally-produced movies na “Adan” at “Damaso”. Ang “Adan” na isang erotic-thriller film ay launching movie nina Rhen Escaño at ng dating beauty queern-turned actress na si Cindy Miranda.

Ang writer-director na si Joven Tan naman ang director ng “Damaso” under Regis Film Productions and Reality Entertainment na may touch ng history. Isa itong star-studded film kung saan tampok ang Bidaman na si Jin Macapagal, Vina Morales, Nyoy Volante, Marlo Mortel, Arnell Ignacio, Ejay Falcon at Aiko Melendez.

Alin kaya sa dalawang nasabing pelikula ang tatangkilikin ng mga manonood?

Ethel umaasa ng forever sa partner

Sa programang “Gandang Gabi Vice” unang nakilala ang non-showbiz live-in partner ng singer-comedienne na si Ethel Booba na si Jessie Salazar .Ito’y isang executive chef sa isang hotel in Boracay. Nagkakilala sila nu’ng 2017 sa isang party. Siya na rin ang tumatayong manager ni Ethel.

Six months pregnant ngayon ang komedyana sa kanilang unang baby.

Mahal na mahal ni Ethel ang kanyang partner ngayon. Umaasa siya na sana’y ito na ang kanyang forever lalo na’t magkakaroon na sila ng anak.