Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DiegsBie malabo ang balikan

0 46

NI: ARCHIE LIAO

Pinag-uusapan ang pagkikita ng mag-ex na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga sa isang campaign sortie.

Kumanta kasi si Barbie onstage na feeling ng ilang miron ay parunggit sa dating boyfriend nitong si Diego.

Na-conscious pa ito nang lumapit sa kanya sa entablado si Diego.

Halatang na-awkward ito pero for the show, kiyeme latik na in good terms pa rin sila after ng kanilang hiwalayan.

May sagot naman si Diego sa awitin ni Barbie sa paghataw niya ng isang song number na parang may paasang may part two pa ang kanilang natapos na love story.

Nagbilin pa ito sa ex na hintayin nito ang kanyang pag-awit pero di na ito pinaunlakan ng aktres.

Meanwhile, sa isang sortie, spotted si Barbie na inaalalayan ng isang guy na isa umanong abogado.

Senyales umano na malabo na ang balikan ng DiegsBie.

Ito ang ilan sa komento ng mga sawsawera.

“May nanalo na sa puso ni Barbie.”

“Diego, si Barbie lang naman ang sinayang mo.”

“Ang haba ng hair ni Barbie.That’s the spirit, gurl. Ikaw ang dapat hinahabol at hindi naghahabol.”

“Happy for you , Barbie.Deserved mo naman ng taong mamahalin ka.”

“Nag-etchingan pa ang dalawa.Tama na ang gamitan.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.