Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diesel, gasolina may dagdag-bawas sa presyo

0 311

Magpapatupad ngayong Martes ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo matapos ang magkakahiwalay na anunsyo ng mga kompanya ng langis sa bansa bunsod ng paggalaw ng halaga nito sa pandaigdigang pamilihan.

Alas-12:01 ng hatinggabi ay magpapatupad ang Chevron Philippines ng dagdag presyo ng kanilang diesel ng P0.45 sentimo kada litro, P0.55 sentimo kada litro naman sa kerosene habang bawas-presyo sa halagang P0.10 sentimo ang gasolina.

SM food to go Banner Ad

Ganito rin ang inilabas na abiso ng dalawang malaking kompanya ng langis na Petron Philippines at Pilipinas Shell bagama’t alas-sais ng umaga nila ito ipatutupad, kasabay ng Flying V, sa parehong halaga ng kanilang produkto.

Ang Thai-led PTT Philippines, Total Philippines, Phoenix Petroleum, Seaoil, Unioil at Petro Gazz ay nag-anunsiyo rin ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produktong diesel at gasolina sa kaparehong halaga simula alas-sais ng umaga. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.