Abante Tonite Interactive

Diether purdoy na?

0 1,326

Pagkatapos ng kanyang hiatus sa showbiz, bigla namang nagparamdam sa socmed si ­Diether Ocampo.

Sa kanyang socmed account, bumulaga kamakailan ang caption na: “Introducing Lt. Diether Ocampo in the service of the Filipino nationwide” kung saan nakauniporme siya ng coast guard.

Sa mga pamilyar kay Diether, marami tuloy ang nahihiwa­gaan sa desisyon niyang pumasok sa Philippine Coast Guard Auxiliary 116thSquadron.

Dati kasing successful businessman si ­Diether at napabalitang na-link sa isang rich girl nang mag-lie low siya sa showbusiness.

May ilang ding kate-katerang nagsabing purdoy na umano ang aktor dahil wala na itong career at ang huling negosyong pinasok umano nito ay nalugi na at nagsara rin. Ano ba ang real score tungkol dito?

Sey naman ng iba, nagpapapansin lang daw ang aktor lalo pa’t hindi na ito aktibo sa pag-arte.

May nagtatanggol din sa aktor na tantanan na ang intriga sa pagpasok niya sa maritime security operations lalo’t nakakatulong siya sa bansa.

(Archie Liao)