Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digital COVID bakuna card tinutulak

0 89

Itinutulak ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na gawing digital ang mga COVID-19 vaccination card na maaaring magamit sa mga negosyo, maging sa pagbiyahe sa lokal man o abroad.

Kung sakali, mas madali aniyang malaman kung peke o tunay ang hawak na bakuna card.

SM food to go Banner Ad

“Itong mga bakuna card dito sa LGU, okay naman ito. Pero eventually, kailangan maging digital ito, at isang look para kung gamitin natin dito sa domestic at foreign travels ay madaling ma-verify kung fake or not,” ani Concepcion sa Laging Handa briefing.

Ang pag-digitalize ng vaccination card ay isasailalim sa pangangasiwa ng Department of Information and Communications Technology.

Giit pa ni Concepcion, kailangang madaliin na ang bakuna card dahil tinutulak na ng pribadong sektor na mabigyang prayoridad ang mga nabakunahan na laban sa virus. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.