Abante Tonite Interactive

Digong abala kaya ‘di nagpapakita sa publiko

291

Abala si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang trabaho kaya hindi ito napagkikita ng publiko.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos tanungin kung bakit isang linggong hindi nagpakita sa publiko ang Pangulo.

Sinabi ni Panelo na mara-ming ginawa si Pangulong Duterte sa kanyang opisina, bukod pa sa mga private meeting at courtesy calls nitong nakalipas na linggo.

“Marami kasi siyang ginagawang ano eh, madaming papeles, private meetings at courtesy calls. So busy siya,” ani Panelo.

Itinanggi rin ng kalihim na naospital ang Pangulo at katunayan anya malakas pa ito sa kanya.

Pabirong sinabi ng kalihim na kapag naririnig na nagmumura ang Pangulo ay indikasyon na maayos pa ito.

“Basta naririnig nyo pang nagpi-PI, okay na okay siya. Kausap ko lang, malakas pa sa akin yon eh. He is always ok. He will be the first one to tell us if he is not,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen Taliping)