Abante Tonite Interactive

Digong allergic sa mamahaling damit

By
824

Walang hilig si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa mga mamahaling damit at gamit tulad ng mga designer suit.

Sinabi ng Pangulo­ na mayroon itong ­allergy at nangangati ito kapag polyester ang suot na damit at nagkakaroon ng mga pantal sa katawan.

Kaya naman aniya lahat ng pantalon nito ay curduroy dahil cotton lang ang kasundo ng kanyang katawan.

Kapag nagsuot a­niya ito ng ibang tela ay na­ngangati ito at panay ang kamot sa katawan.

“I’m so happy to see you. Naka-amerikana halos lahat. Naka-amerikana po ako pero maong ‘to ha. Pantalon ko corduroy. Hanggang diyan lang tayo.

“You know I have this allergy, I cannot mix it up nitong polyester, artificial. Nagkakaroon ako ng rashes. I’d be itchy. I’m not comfortable­. Maong at pantalon na corduroy, hanggang diyan lang tayo. Itong ganito okay naman ‘to,” anang Pangulo.

Matatandaang sa ibang aktibidad ng Pa­ngulo ay naka-polo shirt lang ito at maong na pantalon at saka lang ito magsusuot ng amerika o barong tagalog kapag mga pormal ang dadaluhang okasyon o aktibidad.