Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong ayaw maalala na nag-iwan ng maraming patay

0 55

Ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte mag-iwan ng alaala sa taumbayan na siya ang dahilan ng pagkamatay ng maraming tao.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang Talk to the People na inere nitong Sabado kung saan nanawagan siya sa publiko na habaan pa ang pasensiya at pang-unawa sa bagong polisiya na ipatutupad ng pamahalaan hinggil sa localized o granular lockdown.

Naiintindihan umano ng Pangulo na marami na ang gusto bumalik sa trabaho at makapagnegosyo subalit kinakailangan siguraduhin pa rin ang kaligtasan ng lahat laban sa COVID infection.

SM food to go Banner Ad

Nagbago aniya ng estratehiya ang pamahalaan dahil ayaw niyang isipin ng taumbayan na bigo siyang tugunan ang pandemya.

“But the problem is buhay eh. Iyan ang mahirap. And I would not want to be remembered as one who caused the death of so many,” sabi ng Pangulo.

Aminado naman ang Pangulo na kailangan pang ayusin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga patakaran sa granular lockdown. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.